Sulat Para Kay Koko: Isang Taong Pagmamahal

Motherhood, Sulat Para Kay Koko

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dito sa sulat na ito. Basta kasi iniibig kita ng diretso.

Diretso at walang paligoy-ligoy.

Nahasa na siguro ang pagiging nanay ko dahil sa iyong Kuya, kaya tila mas madali ang pag-aalaga ko sa iyo. Ngunit tandaan mo, na hindi porket hindi ka nauna ay hindi kana kasing-halaga.

Lagi mong tatandaan na ang pagmamahal namin sa inyong magkapatid ay bukod-tangi. Hindi maipagkukumpara.

Sa iyong unang kaarawan, hangad ko ang mabuti mong kalusugan. Hangad kong patuloy na makita ang iyong mga ngiti, at marinig ang may lambing mong hagikhik. Panalangin ko na sana ilayo ka ng Panginoon sa kahit anong kapahamakan.

Kasabay ng pagdiriwang na ito ay pasasalamat natin sa mga taong tumutulong sa amin upang maalagaan kayong magkapatid. Isang pagpupuri para sa aking mga magulang, Nay at Tay, salamat sa walang sawang pagmamahal at pagtitiyaga sa inyong mga apo.

Gayun din naman sa aming malalapit na kapamilya, dito sa Bulacan at sa Pampanga, maraming salamat po pagpaparamdam ng pagmamahal, pagmamalasakit at pag-aaruga kay Eli at Koko.

Maligayang Kaarawan, anak. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo. Salamat sa araw-araw mong hatid na ligaya.

Nagmamahal,

Mommy